Lyrics and Poetry

Nasanay Na Ako…

Hindi ko matago ang nararamdaman ko.
Tila ba ako’y hindi na naniniwala sa mga pangako mo.
Noon ay mahal kita, pero bigla na lang nawala.
Naghahanap ng lugar ang puso kung saan sasaya.

Sinanay mo akong naghihintay;
Nasanay akong luha’y walang humpay;
Nasanay akong hindi ka nakikita,
At hindi na madama.

Sinanay mo akong nasaksaktan,
Kapag may kasama kang iba.
Ngayon ako’y manhid na
Saan pa ako pupunta?

Hindi ko ninanais maamo mong mukha
Mapait na halik ay hindi na sinisinta
Tigas ng ulo mo ay natanggap ko na
Kahit kausap mo s’ya sa akin ay baliwala.

Sinanay mo akong lumuluha,
Nasanay na ako na walang kasama,
Nasanay mo akong magwalang bahala
At di ka hanapin pa.

Sinanay mo akong nasaksaktan,
Kapag may kasama kang iba.
Masakit man tanggapin…sanay na akong mag-isa.

Hindi na ako muling aasa pa sa’yo;
Lahat ng kahapon ko ay iiwan ko.
Lumuha man ako dahil wala ka na,
Hindi ko matitiis maging bulagbulagan na.

Binago mo ang mundo ko,
Di ibig sabihin sa’yo na ito hihinto.
Sinanay mo ako na wala ka.
Ngayon, Nasanay na ako.

————————————

I feel like writing this poem in Filipino…Sorry to my English-fellas.

One response

  1. ang emo hehehe.

    22/08/2012 at 10:27 PM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s