Lyrics and Poetry

Balisa

Bakit hindi ko magawang kalimutan
Ang mga nakalipas na nagdaan?
Pareho naman tayong nasaktan,
Bakit ako’y labis na nahihirapan?

Marunong ba akong magpatawad?
Kailan ko ito sa’yo maigagawad?
‘Di ako makahanap ng iyong katulad,
Kung wala ka saan ako papadpad?

Lahat ng ligaya ay nagmula sa’yo.
Ang totoo, wala nang hihigit pa sa’yo.
Ngunit bakit tayo nagkakaganito?
Tila ba lahat ay unti-unting naglalaho.

Araw-araw mayroong nasasaktan.
Pagsubok ba ito na ating pasan-pasan
O sadya bang lahat ito’y mararanasan?
Kung ganoon man, lahat ba ay may katapusan?

Bukas, araw na naman ay sisikat
May pag-asa pa ba para sa ating lahat?
Dalo’y ng pagmamahalan natin ba’y aalat
Tulad ng hampas ng tubig sa dagat?

Sana maubusan na ako ng luha
Nang bukas lahat ng sakit ay pumawi na.
Nakaraan susubuking limutin na,
Nang hindi na ako matagpuang nakatulala.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s