Lyrics and Poetry

Nagpapatila (Version 2)

raining

Umuulan na naman
Kasabay ang hapdi na nararamdaman ng puso ko.
Titila pa nga ba
Ang luha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko?
Kidlat at kulog ng galit
Ay naririnig ko pa din sa likod ng aking isip.
Kahit saan ako lumingon, ikaw pa din ang nasisilip.
Hiwa-hiwalay na ulap na parang pangarap ko:
Kumakapal ngunit unti-unti na ring naglalaho
Sa pagbuhos ng ulan ng kabiguan na hatid mo.

Ano pang silbi ng pagbalik
Kung ang pagitan natin ay ‘sang dipa ng tinik?
Kahit na may kulay rosas pa,
Kung humihiwa naman ito ng pagsisisi sa bawat halik?
Kahit na ako’y giniginaw,
Ano’ng silbi pa ng yakap kung basang-basa na ako sa ulan?
Tatahimik pa ba ang patak nito
Sa bawat pagdampi sa lupa na parang nawawalang pangako.

Lumingon ka sa mga sinabi mo,
Kung hindi mo makita, maaaring naging hangin lang ito.
Ang mga sinulat mo,
Nalulusaw na sa ulan ng luha ko na hindi para sa’yo.
Ako’y magpapatila na lang,
Dahil hindi biro itong bagyong pinagdadaanan ko.
Hihintayin ko na lang
Ang pagsulyap muli ng araw mula sa likod ng mga ulap.
Baka sakaling patuyuin pa nito ang aking mga luha.

——————–

Link to version 1

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s