Lyrics and Poetry

Posts tagged “tagalog

The Zero Calorie Adventures of Milk & Coffee

Milk and Coffee Adventures

This is actually a dream come true!

Last July, I opened a new domain on wordpress to give space to my much awaiting comics, which is The Zero Calorie Adventures of Milk and Coffee. It’s a bunch of Filipino (Tagalog) comic strips that focuses on the friendship of the characters Milk and Coffee and friends.

The story line came out of no where, when I kept on wearing my weird shades and I started drawing my mini me. That’s explain why ‘Coffee’ had this bug-eye/heart-shaped shades. While the other characters are based on people I encounter and some friends.

The comics is in Tagalog, so sorry for the English-speaking fellas who are following me. It’s actually a risk because I don’t have an idea how it will go since I’m never familiar with the local SEO and how the new site’s Google ranking will climb up. Plus the fact that it’ll be composed of mostly images, I think it will be a great challenge for me.

But anyway, to my Filipino friends here, please supportĀ The Zero Calorie Adventures of Milk and Coffee. I’d appreciate it if you will follow and like our posts both on blogs and Facebook.

Just kindly go to these link and hit like:

Milk and Coffee Adventures – Twitter

Milk and Coffee Adventures – Facebook

Milk and Coffee Adventures -Website

Thank you so much!

This blog will never close, by the way. I have plenty of poems to share to you, so please, please stay tuned!

Advertisements

Panakip-butas

Title: Panakipbutas
By: Yours Truly

Malungkot ka na naman at nag-iisa
Hindi mapakali, hindi magkandaugaga,
Naghahanap ng kausap sa akin
At humahagilap masasandalan sa aking balikat.

Heto naman ako, ang magliligtas sa’yo.
Magbabasag ng oras, makita ka lamang.
Magpapakatibay sa nararamadaman,
Iiwasang umasa at mahulog habang ikaw ay nandiyan.

Habang kinukumpuni tayo ng panahon,
Hayaan muna nating ikaw ay maghilom.
‘Wag pansinin ang sugat ng puso ko,
Dahil mas magdurugo ito kapag ika’y nalulungkot.

Isigaw mo sa akin ang lahat ng galit mo,
Suntukin ang aking dibdib kasamabay ng pagtangis mo.
Ako na lamang ang sasalo ng mga ito,
Dahil matibay naman ako kapag nasa tabi kita.

‘Wag mo lang akong tititigan sa mata,
O hahawakan ang akin kamay,
Dahil sa mga simpleng pagkilos mong ganito,
Ako sa’yo ay muli na namang bibigay.

Hayaan mo na lang maging panakipbutas ako
Nang sa iyong paglisan, pagkatapos nito,
Kakayaning kong tumalikod nang hindi nasasaktan.
Kakayanin kong umikot at tanggapin lahat.

Tatanggapin ko lahat na ako’y kaibigan mo…lang.
Walang kang iisipin na na ako’y masasaktan.
Pagkat narito ako para sa’yo
Anuman ang paulit-ulit mong dahilan.

Basta alam mong mahal na mahal kita,
Basta alam mong naririto lang ako,
Ayos lang iyon para sa akin,
Ang mahalaga ako ang tinatakbuhan mo.

Hihilingin ko na lang na balang-araw
Hindi ka na tatakbong palayo sa akin;
Na sana ang gabi na ito,
Ito ang huling paglisan mo sa aking piling.


Mahal Kita

Mahal Kita

Tumingin ka sa aking mga mata
Baka sakaling mapinsin mo na
Ang aking nililihim na pagsinta.

Hindi pa ba halata sa kilos ko,
Sa kabadong paggalaw ng kamay ko,
At sa pagsasalitang nauutal at humihinto?

Ano kaya ang dapat kong gawin
Para ako’y iyong ibigin?
Natatakot ka bang baka biro lang aking pagtingin?

Sana tumingin ka sa aking mga mata
Dahil dito mo makikita
Ang kulay ng pagmamahal kong ikaw ang ipinipinta.

Araw-araw pinagdarasal ko:
Bakit ikaw pa ang dumating sa buhay ko?
Bakit ikaw pa sa dami-dami ng ibang tao?

Pagdilat ng mata ko, ikaw na naman ang nakita.
Ano’ng pagbibighani ang ginawa mo sa akin, sinta?
Bakit sa’yo’y umaasa at natutulala?

Tinitiis mo bang hindi ako pansinin?
Nahihiya ka bang aminin sa akin,
Na takot ka lang o hindi mo ako kayang mahalin.

Ayos lang kung hindi mo kayang sabihin,
Hindi naman kita pipilitin.
Ang nais ko lang iparating: Mahal kita — ito ang sinisigaw ng aking damdamin.

Kung darating ang panahaong may sagot ka na,
Maaari bang ngumit ka muna?
Ano man ang iyong dala, bitawan mo muna.

Huwag kang mag-alala hindi ko magwawala.
“Oo” man o “Hindi” irerespeto kita,
Gaya ng nakagawian ko noong makilala kita.

Kung wala pa din, tara dito at magkape ka muna.
Pipilitin kong hindi maging isang sirang plaka
O aawit ng mga malulungkot na kanta.

Naririto lang ako, makikinig sa’yo.
Kung may sasabihin ka, na sa’yo ang magkabilang tainga ko.
Handa ako makinig bilang kaibigan at humahanga sa’yo.

Ayos lang kung hindi mo kayang sabihin,
Puwede namang magkape habang nakatulala sa hangin.
Kung nahihiya ka man, maaari mo naman itong ibulong sa akin.

Ayun, sa dami ng pagdadahilan ko.
Iisa lang naman ang tunay na dahilan ko.
Ang nais ko lang iparating: Mahal kita — ito ang tunay na nararamdaman ko.


Ano nga ba ang dahilan kung bakit hindi maaaring maging tayo?

Ano nga ba ang dahilan kung bakit hindi maaaring maging tayo?

Ano nga ba ang dahilan kung bakit hindi maaaring maging tayo?

Matagal na tayong magkakilala,
Matagal na tayong magkasama,
Matagal na nating kabisado ang isa’t isa,
At matagal na nating alam ang kilig ng ating tadhana.

Ano nga ba ang dahilan kung bakit hindi maaaring maging tayo?

Minsan na nating pinangiti ang ating mga labi,
Minsan na rin nating pinagsaluhan ang malamig na gabi,
Minsan na rin nating sinubok ang tibok ng ating mga dibdib,
At minsan na rin nating pagtabi-tabi ang ating mga daliri.

Ano nga ba ang dahilan kung bakit hindi maaaring maging tayo?

Marami na ang nagsabi na bagay tayo,
Marami na rin ang nagulat na hindi pa pala tayo,
Marami na rin ang nagtatanong kung ilang taon na tayo,
At marami na rin ang hindi naniniwala na friends lang ang turing ko sa’yo.

Ano nga ba ang dahilan kung bakit hindi maaaring maging tayo?

Nasabi mo na ba sa akin ang dahilan?
Wala na ba ang siklab ng mga una nating naramdman.
Tunay pa rin ba ang iyong pagmamahal…
Alam mo? Bakit ba hindi natin ito subukan?


Tula ng mga Single

Tula ng mga Single

Bakit nga ba ako nag-iisa?
Bakit nga ba sa dami-dami ng pagpipilian ko,
Wala sa kanila ang gustong magpatibok ng puso ko?

Bakit ang mga batang nakangiwi sa larawan
Mayroong Boyfriend/Girlfriend na kinakapitan?
Tawag pa nga sa kanila #RelationshipGoal!

Bakit ako? Hindi naman ako siguro pangit,
Ngunit kahit ano’ng gawing papogi ko
Wala man lang kahit isang nagkakagusto sa akin.

Kailangan ko rin bang ngumiwi sa larawan,
Para lamang magkaroon ng syota?
Ano nga bang mayroon sila? Bakit sila masaya at ako hindi?

Alam ko abala ako sa aking trabaho.
Hindi ba karagdagang ‘pogi points’ ‘yun
Dahil masipag ang future boyfriend mo?

Ang alam ko din akong nakaraan ng panloloko
Hindi pa ba sapat ‘yun para sa’yo
Ikaw, ikaw na hinihintay ng puso ko.

Sa madaling salita, bakit nga ba ako single?
Ano’ng tadhana ang hindi maipinta
Kung bakit hindi ka mapasaakin?

Ayaw mo ba sa isang makata?
Marunong din naman akong mag-ingles.
Kaya kong magsalita gamit ang laman ng puso ko.

Seryoso naman ako sa mga sinasabi ko.
Walang biro, walang anumang palabok.
Totoo lahat ang buong pagkatao ko.

Kaya nga laging pumapasok sa isip ko,
Bakit nga ba ako single?
Siguro hindi ko na ito masasagot kapag dumating ka na sa buhay ko.


Isang Pagkakataon

Isang Pagkakataon

Title: Isang Pagkakataon
By: Francis Moje
Language: Filipino

Noong ako’y nasa kalagitnaan ng trapiko, sa kahabaan ng daan,
Doon ko nakita ang ningning ng iyong mga mata.
Ikaw ay nasa loob ng iyong sasakyan, hawak mo ang iyong manibela.
Habang ako ay nasa isang bus binibilang ang mga pinapangarap kong kotseng gawa ng mga banyaga.

Tumingin ka ng panandalian sa iyong bintana
At nahuli mo akong sa iyo’y nakatitig ng may kalaliman.
Ika’y napangiti at napatawa sa aking pagkagulat at pagkataranta.
Simula noon, ‘di ka na naalis sa araw-araw na pag-iisip ko at pangangarap ko habang ako’y nasa daan.

Dumaan ang mga araw, linggo at buwan, hindi na muli na kitang nasilayan.
Naiisip ko tuloy baka ikaw ay isang panaginip lang
O baka naman nagagawi ka na sa ibang ruta sa probinsya o dito kamaynilaan.
Nasabi ko tuloy sa aking sarili sa aking pagmumuni-muni, “Sana ikaw ay aking sinuklian ng kaway man lang.”

Nagdaan ang ilan pang mga araw, sa parehong daan at sitwasyon ng trapiko,
Hindi na pangrap na kotse ang binibilang ng aking kaisipan.
Bagkus, ang bilang ng iyong malamig na ngiti at tawang hindi ko narinig ang ginagawang libangan,
Sa tuwing binabagtas ko ang eksatong lugar kung saan ikaw ay aking namatahan.

Tumatak ka nga, tumatak ka nga sa bawat kanto ng puso’t isipan ko.
Halos ilang tadhana ang aking hinihiling at pinagdarasal,
Ngunit walang “ikaw” na muling dumaan sa mundong ating ginagalawan.
Tila naging suntok sa buwan ang isang pagkakataon na isinasamo ko sa ating mabuting may kapal.

Ngayon, mariin kong natutunan na ang dapat kong maintindihan
Na hindi biro ang aking pagsubok na tinahak.
Mahirap pa lang pangarapin at mahalin ang isang babaeng katulad mo
Na sa isang pagkakataon ko lang pala matatagpuan, masisilayan. Ang sabi ko nga, “Hindi ko man lang nakuha ang iyong pangalan.”


Bakit hindi mo maamin?

Bakit Hindi Mo Maamin?

Title: Bakit Hindi Mo Maamin?
Language: Filipino
By: Francis Moje

Bakit ba sa dami-dami ng tao na lalayo ng landas sa akin, ikaw pa na mahal ko? Lagi na lang ba na ganoon ang galaw ng tadhana sa pusong totoong nagmamahal? Kung tutuusin, kung hindi nagbiro ang oras at panahon, nararamdaman mo sana ng buo ang pagmamahal ko kahit bahagya lang ang mayroon ako. Hindi mo mararamdaman, ni minsan, na magloloko ako, na sasaktan ko ang puso mo, na paiiyakin kita o paglalaruan. Kung nalulungkot ka, pasasayahin kita. Kung mararamdaman mong mabigat ang iyong pasanin, kakargahin kita. Lahat ng ito gagawin ko sa’yo.

Kung tutuusin kulang pa nga. Dahil ANG LAHAT KO dapat ay para sa’yo. Pero hindi lang ako mangangako, bagkus gagawin ko lahat ng ito. Dahil sa gitna ng problema ko, sa gitna ng mga bagay na gumugulo sa isip, sa gitna ng sakit at lahat ng kalungkutan na mayroon ako, ikaw lang…ikaw lang…ikaw lang nagpapangiti sa mga labi ko.

Dahil kahit saglit lang kita makita, dahil kahit sa Facebook lang tayo magkausap, isang “Hi!” mo lang daig ko pa ang taong nanalo sa lotto.

Iba ang tama ko sa’yo. Mahal kita at alam mo ito.

Ngunit sa kabilang dako ng mga ngiti na ito, nasasaktan ako, kasi may iba ka na pala.

Pero bakit ganoon? Parang sa bawat salitang binabanggit mo, may pag-asa akong nakikita. Bakit sa tingin ko, hindi ka masaya sa kanya? Bakit ba sa tuwing sinasabi ko na nakikipag-date ako sa iba, sinasabi mo na iwanan ko s’ya dahil hindi ako totoong masaya?

At bakit alam mo? Bakit alam mo na sa bawat ngiti ko, habang kaharap kita, ikaw ang gusto kong makasama? Bakit alam mo na sa buong buhay ko ikaw lang ang “ideal man” ko? Bakit ba kahit alam mo ang lahat ng ito, hindi ka pa rin naniniwala na totoo ang puso ko para sa’yo?

Ano’ng hinahanap mo sa akin na hindi mo matagpuan? Ano’ng tungkol sa akin ang hindi mo maunawaan?
Bakit hanggang ngayon, nasa kanya ka pa rin, kahit alam ko…kahit nasa mata mo…nakakakita ako ng pagmamahal mo’y para sa akin?

Bakit hindi mo maamin?